Miyerkules, Mayo 18, 2011

The Constitution and the Church

             The Constitution said “The separation of Church and State shall be inviolable.” – Article II Section 6 of Saligang Batas ng 1987.

             What does the Article II Section 6 means?   It only means that the set of rules and regulations of the state cannot be affected or influenced by the Church.  And that separation of the two is sacred and unbreakable.   And the authority of each of them are very separated and limited to each other.   But in our times, we are facing a big problem regarding of that, at ito ang pagpapasa ng RH Bill in the Senate.   Paano nga ba ito?   If each and every one of us can understand what the Article II does it means I can assure you that walang division of thoughts and we will be united as one.

            Government at our times is ready to hear what our minds want to say at any time.   Lalong lalo na ngayon that our President is a human being with a good heart.   Ang sabi nya pa nga “Kayo ang Boss ko!” yan ang mga katagang dapat natin panghawakan at this time.   Pero syempre may time na kailangan nyang mamili for our own sake and for the sake of our country.   Tulad ng pagpapasa ng RH Bill, walang masama kung maipasa ang RH Bill sa Senado at sa Congresso.   Ang tanging layunin lang naman ng batas na ito ay maprotektahan tayo at magkaroon ng kaalaman regarding sa nilalaman nito.   At still the final decision is ours, kung gusto natin gumamit ng contraceptive go for it and if we don’t, it’s okay.   Hindi natin kailangan maghati hati at maghiwa hiwalay, ang kailangan natin sa panahong ito ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at paniniwala sa ating mga sarili.   Kung ikaw man ay isang Cristiano, Katoliko, o Protestante nasa sa iyo kung ang bill na ito ay may pakinabang sa mga gagawin mong hakbang na makaka apekto sa iyong future.   We are still the Big Boss at this time, ang kailangan lang, we are ready to hear what the Government wants to share with us.   Hindi naman tama na ang Government ang laging nakikinig sa atin, kailangan give and take.   And at this time tayo naman ang makinig sa kanila, they heard that our people are now divided into two “PRO’s and ANTI’s”.   At ngayon nalaman natin na the President is in the side of the PRO’s, wala tayong magagawa but to accept that thing.  
  

Makinig, Maki alam at Maki isa!


Makinig, Maki alam at Maki isa ka!

                          Kung isa ka sa mga mahuhusay makinig sa lahat ng bagay, IKaw nga!   Ikaw ay isang Pilipinong handing makinig sa ano mang nais sabihin ng ating Gobyerno.   Handang makinig ng boung talino at may pag aanalisa sa iyong utak.   Nauunawaan mo ang mga bagay bagay na nang yayari sa ating bansa at kapaligiran ngayon.   Ngunit ikaw ba ay isang taga pakinig lamang at handing sumang ayon sa lahat ng bagay na iyong narinig?

Maki alam at Maki isa ka!

Sa iyong pakikinig hindi sapat ang makinig lang ng buong taliono dahil alam ko at nakakasiguro ako na may mga bagay at katanungang tumatakbo ngayon sa iyong isipan.   May mga bagay na gumugulo sa utak mo ayon sa iyong napakinggan — good news man ito o bad news.   Handing magtanong, magbigay ideya o opinion at kahit kasagutan.   Bilang isang Pilipino, ikaw ay naaapektuhan ng iyong mga narinig na balita kahit na ito ay tungkol sa katiwalian.   Nais magsalita at magbigay kaalaman para sa lahat.

Maki isa ka!

Sa iyong napakinggan at sa iyong pagbibigay ng opinyon isa ka sa mga taong may concern sa Bayan ni Juan.   Ikaw ay gananap na nakiki isa sa Gobyerno.    Hindi ka man pulitiko o makapangyarihang tao, siguradong sa iyong pagbibigay ng saloobin ayon sa iyong napakinggan “ I am sure, the Government are now thinking for it!”.   Ito man ay negatibo o positibong pananaw.   Ang iyong pagbibigay ng saloobin ay isang pagbibigay linaw sa mga opisyal ng Gobyerno.
Kaya kung ikaw ay Nakinig,Naki-alam at Naki-isa, ikaw ay isang tunay at buhay na Bayani ng ating bansa.


“The foundation of democracy is faith in the capacities of human nature.   Faith in human intelligence and in the power of people and cooperative experience.   Is is not belief that these things are complete but that if guides a show they will grow and be able to generate progressively the knowledge and wisdom needed to guide collective actions.” —John Dewey

Bayan ni Juan Dela Cruz; Kaya mo na kaya?

Red = Indonesia
Yellow = Thailand
Blue = Philippines 
http://www.heritage.org/index/Visualize?countries=philippines&type=9
                 Sa dami ng mga nabasa at napakinggang balita ukol sa ating bansa at mga komentaryo ng mga taong tulad ni Juan Dela Cruz patungkol sa ating bansa, ngayon natin maitatanong sa ating mga sarili ang katanungang: kaya na kaya ni Juan Dela Cruz sagipin ang kanyang Bayan?

                 Sa panahon natin ngayon hindi ko matukoy at masabi ang kasagutan sa tanong na yan sa kadahilanang di ko malaman kung ako ba ay tulog na nakahiga sa kama at nananaginip pa.   Ano na nga ba ang kalagayan ng Bayan ni Juan?   Sa kasalukuyang pangyayari di ko matanggap ang mga nakikita ko sa ating kapaligiran: ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, sa kalye at kung saan saan pa.   Ang pangongotong upang maka iwas sa batas trapiko at ang kawalan ng kamalayan sa mga nangyayari sa ating Bayan.   Ang kawalan ng kamay na bakal ba ang dahilan kung bakit nagkaganito ang bayan ni Juan?  

Ayon sa aking mga nabasa sa librong likha ni Bob Ong na “Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino?” doon ako namulat at nagising sa aking pagkakahimlay sa sarap ng aking pagkakatulog.   Nagising ang aking diwa na ang mga nangyayaring ito sa ating Bansa ay hindi isang bangugnot lang, kundi isang katotohanan.   Ano na nga ba ang nangyari kay Juan Dela Cruz, sadya nga bang wala nang disiplina o talagang wala nang paki alam sa ating Bayan.   Gumising ka at bumangon sa pagkakahiga Juan Dela Cruz, wag pabayaan ang iyong sariling nakalugmok at di maka ahon sa kahirapan at kahihiyan.   Tulungan natin linisin ang dungis ng Perlas ng Silangan, wag nating ito ipag walang bahala.    Malala na ang sakit ng ating bansang sinilangan.

Hindi ako isang manunulat o isang politiko, ako’y isang Juan Dela Cruz na namulat at nagising sa inakalang isang bangungot lang ang mga pangyayaring ito.   Oo masarap pakinggan at parang nakalutang sa hangin ang pakiramdam tuwing may mga tao at lugar tayong ipinag mamalaki na tayo lang ang mayroon tulad nila Charice, Nepomuceno, Rizal, Palawan, Boracay at marami pang iba.   Ngunit ang pagmamalaking ito at taas noo nating ipinapakilala sa buong mundo ay di mo maaaring gamitin ipanakip butas sa sira at bulok na sistema ng pamumuhay ni Juan Dela Cruz sa kanyang bayang sinilangan.   Ang bulok na sistema ng pamumuhay na kinatatayuan ngayon ni Juan Dela Cruz ay makikita natin sa araw araw na kamaliang ating ginagawa: pagnanakaw sa linya ng Cable ng telebisyon, tubig, pag jujumper at ang tinatawag na kamkam <pag angkin sa lupang nawawala at di malaman kung nasaan ang may ari>.   Ito ang mga gawing di maiwawaksi ni Juan Dela Cruz.   Grabe natatakot ako para sa ating Inang Bayan,  alam kong marami na sa atin ang nagsasabing “Ayoko na sa ‘Pinas, walang mangyayari sa akin dito.   Di ako dito uunlad….’.   Masakit man pakinggan ngunit ‘yan ang katotohanang nangyayari sa ating mga kababayan ngayon.   Wag natin itong pabayaang mangyari.

Bilang isang mamamayan ng ating bansa, ikaw at ako bilang tao ng bayang ito ay may responsibilidad sa bangungot na ito.   Wag natin ibuhos at iasa ang lahat ng ating kinabukasan sa mga politikong natutulog sa oras ng sesyon sa kongreso, mga politikong walang ginawa kundi pilantikin ng pilantikin ang mesa gamit ang kanilang mga ballpen at mga politikong may dinudukot at may mga nilalagay sa kani kanilang bulsa <blind item ‘yan hulaan mo nalang kung sino.>.   Hindi ko naman sinasabing lahat ng politiko ay ganid o sakim, ngunit ‘yan ang nakikita ko sa ngayon.   At kung hindi natin pipigilan at hindi natin sasawayin, pare pareho tayong masisira sa ganitong paraan.   Ngunit nasa kanila parin ang kanilang mga desisyon kung itutuloy pa nila ang pamumulsa ng pera galing sa kaban ng bayan o kanila itong gagamitin upang mabigyan ng sapat at tapat na serbisyo si Juan Dela Cruz at ang Kanyang Bayan.  

Sa ating araw araw na kinikilos at ginagawa, ito ay makakaapekto sa hinaharap ng ating bayan.   Ang simpleng tamang pagtatapon at pangongolekta ng basura,  ang tamang pagbabayad ng buwis, ang paggamit ng mga tinatawag na green bag at pagrerecycle ng mga dyaryo at papel na may nakasulat na pangit na balita ay maaari pa natin ipang balot ng tinapa at kung ano ano pa sa palengke ay isang simpleng gawi upang lahat tayo ay umangat sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.   Simpleng pakinggan para ang ating pamumuhay ay sumaayos ngunit bakit nahihirapan si Juan Dela Cruz?  

Masarap manirahan sa bayang may maunlad, tahimik at may pagkakaisa sa lahat ng bagay.   Bayang may malinis na politika at gobyerno, may ligtas at may kaaya ayang kapaligiran.   Ngunit kaylan nga ba ito?   Kaylan natin matatamo ang mabilis at mahusay na pag unlad ng ating bayan.   Wag natin intayin na may isang Presidente o mambabatas na mailuluklok at gagawa ng kilos na maibenta at mapasakamay ng ibang bansa ang ating Inang Bayan.   Wag nating intayin na ang ating Perlas ng Silangan ay mawala na parang bula at magising kang di kilala ang sariling katauhan.   Kumilos ka Juan Dela Cruz, wag kang maging pabaya at wag mong intayin ang pagbukadkad ng haring araw.   Gumawa ng paraan upang ang Inang Bayan ay maipag malaki mo ng walang pag aalinlangan.   Politiko ka man o hindi, Kristyano ka man o Muslim magkaisa para sa ating bayan at para sa ating Kinabukasan.